Monday, December 20, 2010
Pasko nanaman muli!
Nagsimula nanaman ang panahon ng kapaskuhan! Yahoo! At malamang sa hindi, ito ang pinakahinihintay na okasyon nang mga Pilipino. Bakit nga ba? Aba syempre eto ang panahon kung saan maraming magagandang bagay na nangyayari. Simulan natin sa mga bata. Sabi nila pasko daw ang araw ng mga bata. At dahil doon eh napakaraming atensyon ang ibinibigay sa kanila. Kada pasko dapat lang na bago ang suot mo.. Ewan ko sa iba pero sa amin e ayun ang nakasanayan. Kahit man lang t-shirt o pantalon o sapatos ang bago e ok na! Pasok kana para makapamasko sa mga ninong at ninang mo. At speaking of ninong at ninang, obligado nga pala sila na magbigay sa mga bata ng something either regalo o pera. Ayaw naman nila na matawag silang kuripot kaya nga game na game sila na magpamano at magbigay ng red envelope na may lamang cash. Actually, sa part naman ng mga ninong/ninang like me eh nakakastress din naman minsan ang paghahanda para sa pasko. Kasi naman andaming expenses kapag pasko and then sisimulan mo na rin bilangin ang mga inaanak mo para secured na ang kanilang mga pamasko. Well ok lang naman yun dahil minsan lang naman sa isang taon eto mangyari. Tska alam naman nila na wala pa ako trabaho kaya babawi nalang ako kpag mejo mayaman na ako. Hehe!!
Isa pa para sa mga hard working employees and students eh eto rin ang isa sa mga pinakahihintay na bakasyon. Pause muna sa mga stress ng buhay-buhay at magfocus sa well-awaited season. Honestly nung nagsisimula pa lang ang second sem eh Christmas break na agad ang nasa isip ko. Sino nga ba ang hindi mananabik sa mga araw na wala kang gagawin kundi kumain, gumala at magpakasaya. Di ba ok na ok yun? Plus, iwan muna ang mga deadlines, projects and pending exams. Problemahin nalang ang mga yun later. It's time to collect positive aura muna dahil ultimately after this eh yun ang maiiga at hahanap-hanapin mo. And so since I'm writing this blog, this means that wala ako masyado magawa.. Natutuwa kasi ako magbasa nang blog ng iba kaya naman I decided to write something my own.. So ayan, I'll make a commitment to write as soon as I can to make it an integral part of my experiences. But right now, I just wanna say happy holidays to everyone! Weehee!!
Labels:
holidays
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment