December had always been a busy month. Sa totoo lang tuwing Christmas season nabubuhay ang napakaraming bazaar, tiyangge, food stalls at marami pang ibang business establishments na sa sobrang dami eh di mo na malaman kung saan ka pupunta. Pero well, dahil malapit na ang Christmas, people tend to go to malls. Kahit saan naman yata may malls at mas convenient din ito para sa mga tao. Although ang mga merchandise sa mall e lubhang mas mahal kaysa sa iba, dinudumog parin ito nang taongbayan anu man ang social status. Syempre kapag nasa mall naman e di mo kelangan bumili ng bumili. Pwede namang windows shopping lang. Isa pa e enjoy kahit palakad-lakad lang sa mall, aircon kasi tska minsan pa e maraming mga freebies and mall shows. So ayun, libreng entertainment! Sa mall din e maraming mga kainan. Pinoy have huge appetite kaya naman kahit saang sulok ng mall ay talagang maraming bilihan ng pagkain. Very common na syempre ang mga fastfoods, as in they are everywhere and minsan tatlong outlet pa sa iisang mall, grabe! But what's amazing is that kahit saang fastfood eh talagang napupuno ng customers. Ayun baka nga mahirapan ka pa humanap ng seats. Other than fastfoods e nanjan din ang mga restaurants. Usually nasa upper floors ang mga high-end resto at very few lang ang nakain dito, malamang sa hindi eh yung mga can-affords lang. Anyways other than those, marami pang mga food stalls na nakadisperse: shakes, sandwich, waffles, ice cream, lahat nalang nga pwedeng kainin.
Bidang-bida rin sa malls ang department stores. Dito kasi conveniently nakadisplay ang mga products na hinahanap ng mamimili. Kung tinatamad kang icheck ang mga brand stores sa labas or baka ayaw mo lang talaga sa mga sales clerk eh mabuti na sa department stores ka na agad tumuloy. Yun nga lang since nsa dept. store na lahat, iexpect na ang bumabahang bilang nang mga tao. Dito di maiiwasan na makabangga, mahampas o matabig mo ang mga tao sa iyong paligid dahil sa sobrang crowded. Pero thankfully understood na yun at wapakels nalang ang karamihan. Onga pala sa lugar rin na ito maraming mga sale at discounts kaya todo hukay ang mga tao lalo na sa mga tambak ng damit. Isa pang gusto ko dito e dahil sa sobrang daming tao, malaya kang makakahanap ng gusto mo at wala ang mga makukulit na sales clerk na sunod nang sunod sayo. Tatawag kalang sa kanila kapag kinakailangan dahil kapansin-pansin din naman kasing haggard sila sa sobrang dami ng ina assist nila.
At pagkatapos nang lahat ng galaan, kapag busog na ang mga tao at pagod na sa kakalakad at kaka money-drain, panahon na para umuwi. Eto pa ang isang kaabang-abang sa December: traffic! Kahit nagcommute ka lang o may private vehicle ka eh wala kang lusot dito. Kaya nga dapat ay umuwi nang hindi pa masyado rush hour dahil surely kapag naabutan ka na nang rush hour eh many hours ka rin sa kalsada. Anyway kung minsan ka lang naman mag shopping galore, kasama na rin ang traffic sa mga adventures mo. Ano ba naman ang traffic na yan kumpara sa saya na naidulot nang Christmas shopping mo di ba?
No comments:
Post a Comment